God's creation

God's creation
"'Creation' has a broader meaning than 'nature'; it has to do with God's loving plans." -Pope Francis

Miyerkules, Abril 25, 2012

Hindi Perpekto ang Buhay ng Tao

Paulit-ulit kong pinaaalis ng acetone ang nail polish kay Mama dahil hindi ako masiyahan sa pagkakapintura ng isang kuko. Sabi ni Mama, “Kahit hindi perfect, ok na ‘yan.” Tumatak ito sa puso at isip ko bilang isang mahalagang aral sa aking buhay. Kaya ngayon, pag hindi masyadong maganda ang pagkakapintura ko, iniisip ko na lang (na tila batang napipilitan ngunit masaya na) ang sinabi ni Mama habang tinitignan ang kuko: “Pwede na ‘yan, kahit hindi perfect.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento